102-275 Broadway
Winnipeg, Manitoba
Canada, R3C 4M6
Phone: (204) 949-0811
Fax: (204)956-0848
Toll Free: 1-888-843-1229
(Manitoba only)
Email: mflohc@mflohc.mb.ca

MFL Occupational Health Centre, Inc.



Kalusugan at Kaligtasan sa Pinagtatrabahuhan Ang mga
Karapatan ng mga Manggagawa sa Manitoba

Batas Pangkalusugan at Pangkaligtasan

Sa Manitoba ang mga karapatang pangkalusugan at pangkaligtasan ay ginagarantiyahan ng Workplace Safety and Health Act at ng Canada Labour Code. Karamihan sa mga manggagawa ay saklaw ng probinsiya at proteksiyon ng Workplace Safety and Health Act.

Ang mga manggagawa na nasa pag eempleyo ng pederal na pampublikong serbisyo (federal public service) pederal na crown corporation, o mga industriyang kaugnay ng banko, transportasyon, komunikasyon, mga butil (grain) ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng gobyerno pederal. Sila ay saklaw ng Canada Labour Code.

Isinasaad ng polyetong ito ang mga karapatan ng mga manggagawa na pinoprotektahan ng Manitoba Workplace Safety and Health Act. Ang mga karapatang pangkalusugan at pangkaligtasan na ipinagkakaloob ng Canada Labour Code ay may pagkakamukha subali't hindi magkatulad. Ang mga manggagawa na protektado ng Canada Labour Code ay dapat makipag-ugnayan sa Human Resources Development Canada o sa kanilang unyon para sa mga impormasyon tungkol sa kanilang karapatang pangkalusugan at pangkaligtasan.

Ang mga manggagawa sa Manitoba ay may tatlong karapatang pangkalusugan at pangkaligtasan na ginagarantiyahan sa kanila ng batas.

  • ang Karapatang Makaalam
  • ang Karapatang Makilahok
  • ang Karapatang Tumanggi

Ang mga manggagawa, kabilang
man sa unyon o hindi, ay parehong protektado ng batas sa kalusugan
at kaligtasan.

Tatlong Karapatang Pangkalusugan at Pangkaligtasan

1. Ang Karapatang Makaalam

Ang mga manggagawa ay may karapatang malaman ang mga panganib sa kanilang pinagtatrabahuhan. Ipinag uutos ng batas sa mga nagpapatrabaho na ipaalam at sanayin ang kanilang mga manggagawa tungkol sa lahat ng panganib ng kanilang trabaho at kung paano makapagtatrabaho ng ligtas sa paligid ng mga nasabing panganib.

Ang mga manggagawa ay protektado rin ng Workplace Hazardous Mmaterials Information Sysstem (WHMIS). Ipinag uutos ng WHMIS sa mga nagpapatrabaho na

Ang Material Safety Data Sheet ay sinulat ng gumawa ng produkto. Kasama dito ang listahan ng lahat ng mapanganib na sangkap, epekto sa kalusugan gawa ng labis o matagal na pagkakalantad dito, at ilang impormasyon kung paano mapapangalagaan ng mga manggagawa ang kanilang sarili. Ang MSDS ay kinakailangang ipagkaloob ng gumawa o nagkaloob (supply) nito at dapat na handa para magamit ng mga manggagawa sa kanilang pinagtatrabahuhan.

2. Ang Karapatang Makilahok

Ang mga manggagawa ay may karapatang makilahok sa mga pangkalusugan at pangkaligtasang alalahanin sa kanilang pinagtatrabahuhan. Ginagampanan ng mga manggagawa ang kanilang karapatang makilahok sa pamamagitan ng magkasanib na komite sa pangkalusugan at pangkaligtasan o kinatawan sa pangkalusugan at pangkaligtasan sa pinagtatrabahuhan

Mga Komite na Pangkalusugan at Pangkaligtasan

Ang mga nagpapatrabaho na may 20 o mahigit pang empleyado ay kinakailangang magtatag ng magkasanib na komite ng pangkalusugan at pangkaligtasan na binubuo ng mga manggagawa at nagpapatrabaho. Kinakailangan na hindi kukulangin sa kalahati ng bilang ng komite ang dami ng mga manggagawa.

Partisipasyon sa Komite

Ang mga manggagawa ay may karapatan na magdesisyon kung sino ang kakatawan sa kanila sa komite. Ang nasabing kinatawan ng mga manggagawa ay maaaring piliin ng kaniyang mga kasamahan o kaya ay hirangin ng unyon. Ang mga pangalan ng mga miyembro ng komite ay kailangang nakapaskel sa hayag na lugar sa trabahuhan.

Mga Tungkulin ng Komite

Ang magkasanib na komite ng pangkalusugan at pangkaligtasan ay kinakailangang magpulong ng hindi kukulangin sa isang beses sa loob ng tatlong buwan. Ang mga komite ng pangkalusugan at pangkaligtasan ay gumagawa ng inspeksiyon sa pinagtatrabahuhan, nag iimbistiga ng mga aksidente, at nag-uusap tungkol sa mga alalahaning kaugnay ng kalusugan at kaligtasan sa kanilang partikular na trabahuhan. Mahalaga na ipaalam ng mga manggagawa sa kanilang kinatawan ang anumang isyung pangkalusugan at pangkaligtasan na lulutang.

Pagsasanay ng Komite

Kinakailangang payagan ng mga nag-eempleyo ang mga miyembro ng komiteng pangkalusugan at pangkaligtasan na kumuha ng dalawang araw na "educational leave" bawa't taon ng hindi sila mawawalan ng bayad o benepisyo para sa pagsasanay na pangkalusugan at pangkaligtasan.

Kinatawang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Trabahuhan

Ang mga nagpapatrabaho na may 10 hanggang19 na manggagawa ay kinakailangang magkaroon ng kinatawang pangkalusugan at pangkaligtasan na pinili ng kaniyang mga kasamahan o kaya ay hinirang ng unyon. Ang kinatawan ay hindi maaaring miyembro ng mga tagapamahala.

Ang pangalan ng nasabing kinatawan ay kailangang nakapaskel sa hayag na lugar sa trabahuhan.
Ang tungkulin ng kinatawang pangkalusugan at pangkaligtasan ay katulad din ng sa komite ng pangkalusugan at pangkaligtasan.

3. Ang Karapatang Tumanggi

Ang mga manggagawa ay may karapatang tumangging gawin ang trabaho kung sila ay may sapat na dahilan para maniwala na ang gawain o ang kondisyon ng patrabaho ay mapanganib para sa kanila o sa isang kasamahan o kanino man.

May apat na hakbang na dapat sundin kung tatanggi sa isang trabahong mapanganib. Ang manggagawa ay hindi maaaring i-lay off, suspindihin o parusahan dahil sa pagtangging gawin ang mapanganib na trabaho kung ang tamang proseso ang siyang sinunod.

Unang Hakbang: Ireport ang pagkabahala at pagtanggi sa trabaho sa inyong superbisor.

Ikalawang Hakbang: Kapag ang nag-eempleyo ay walang ginawa upang itama ang peligrosong kundisyon, ang nag eempleyo at ang kinatawan ng manggagawa ay kailangang magsagawa ng madaliang imbestigasyon tungkol sa sitwasyon ng manggagawa na tumangging magtrabaho at ayusin ang problema.

Ang manggagawa ay may karapatang magpatuloy na tumanggi sa trabaho kahit ang nag eempleyo ay hindi naniniwala na may panganib o kung ang problema ay hindi naayos ng kasiya-siya para sa manggagawa.

Ang nag eempleyo ay may karapatang makiusap sa manggagawa na tumigil sa isang malapit na ligtas na lugar o gumawa ng ibang trabaho.

Ang nag eempleyo ay hindi maaaring magsabi sa ibang manggagawa na gawin ang trabahong tinanggihan maliban na lamang kung:

Ikatlong Hakbang: Kung hindi naremedyohan peligrosong kalagayan pagkatapos ng inspection, ang manggagawa , nag-eempleyo at ang kinatawan ng komite ay dapat tumawag ng isang opisyal na pangkaligtasan (safety officer) sa Workplace Safety and Health Branch upang imbestigahan ang sitwasyon.


Ika-apat na Hakbang: Ang Safety Officer ay mag-iimbestiga sa sitwasyon na kasama ang manggagawa, ang nag eempleyo, at ang kinatawan ng komiteng pangkalusugan at pangkaligtasan sa trabahuha.

Ang Safety Officer ay dapat sumulat ng report na nag-uutos sa nag eempleyo na ayusin ang problema kung sa paniniwala ng opisyal na ang trabahong iyon ay mapanganib.

Kung ang Safety Officer ay nagdesisyon na ang trabaho ay ligtas, ang manggagawa ay kinakailangang bumalik sa naturang trabaho.

Paghahabol o pag aapela

May labing apat (14) na araw na palugit ang manggagawa at ang nag-eempleyo pagkatapos tanggapin ang sinulat o sinabing desisyon para i-apela ang desisyon.

Ang mga manggagawa ay maaaring magpatuloy na tumanggi sa trabaho habang ang desisyon ay nakaapela.

Mga "Resouces" o Mapagkukunan ng Kaalaman/Tulong

Maraming resources o mapagkukunan ng kaalaman/tulong na nakalaan para sa inyo sa Manitoba. Makapagbibigay ang mga ito ng impormasyon, payo at mga babasahin tungkol sa mga sari-saring isyung kaugnay ng kalusugan at kaligtasan sa trabaho.

Makipag usap sa inyong kinatawang pangkaligtasan at pangkalusugan tungkol sa kalusugan at kaligtasan sa inyong pinagtatrabahuhan.

MFL Occupational Health Centre
102-275 Broadway
Winnipeg, Manitoba R3C 4M6
Toll Free: 1-888-843-1229
Ph: (204) 949-0811
Fax:(204) 956-0848

Canadian Centre for Occupational Health and Safety (CCOHS)
250 Main Street (East)
Hamilton, Ontario L8N 1H6
Ph: (905) 570-8094
1-800-263-8466

Workplace Safety and Health Branch Regional Offices

Winnipeg
200-401 York Ave.
Winnipeg, Mb R7A 6C2
Ph: (204) 945-3446
Toll Free 1-800-282-8069
Brandon
340 9th St.
Brandon, Mb R3C 0P8
Ph: (204) 726-6744
Teulon
77 Main St.
Teulon, Mb R0C 3B0
Ph: (204) 886-3731
Beausejour
639 Park Ave.
Box 50
Beausejour, Mb
R0E 0C0
Ph:(204) 268-6044
Flin Flon
202-143 Main Street
Flin Flon, Mb R8A 1K2
Ph: (204)687-1624
 

Human Resources Development Canada - Labour Program
2nd Floor, 391 York Avenue
Winnipeg, Mb R3C 0P8
Ph:(204) 983-6375

April 2000